MatangHari Blog

Click here to edit subtitle

Blog

Ang Gabuhok na Pagitan ng La Liga Filipina at ng Katipunan

Posted by king_cortez on October 16, 2013 at 1:20 AM


Sa kasaysayan hinubog at hinuhubog hangang sa ngayon ang kaisipan nating mga Filipino mula pagkabata hangang sa ating pagtanda na may isang linya at landas na tinahak ang ating kasaysayan. Karamihan sa mga historyador ay nagsasabi na kasunod ng pagiral ng La Liga Filipina ni Rizal saka lang umiral ang Katipunan ni Bonifacio. Para nga naman hindi mahirap isipin mas maganda ika nga ang prinsipyo ng one at a time. Ngunit sa kabila ng malawakang pagdodoktrina ng mga kinilalang historyador sa larangan n gating kasaysayan mukhang hindi lang sinanitized ang mga pangyayari kungdi nagdulot pa ng distortion dahil na iba ang pagsasaysay sa ating Kasaysayan. Maaring bang umiral ng sabay ang dalawang samahang ito? O may nauna ba sa kanila? La Liga nga ba ang nauna sa Katipunan? Ang La Liga ba ay isa ring tinatawag na Katipunan? At ano ang pagkakaiba ng Katipunan ni Bonifacio sa mga nababangit na Katipunan ayon sa Kasaysayan?

                                                                        


 Ilang mga katanungan na tinanong ko na lang sa aking sarili kaysa makapagdulot pa ng pagkapikon sa sinomang historyador na aking matatanong tungkol sa bagay na ito. Minabuti kong magsuri na lang ng tahimik, maglikom ng mga datos na bubuo sa isang aspeto ng katotohanan patungkol sa kasaysayan. Ang mga kababayan na lang ang humatol sa aking ginawang pagsasaliksik na alam kong puro ang pagkatuto ang uuwian. Tama man o magkamali ako sa aking pagawa pareho kong ikauunlad ito sa larangan ng pagaaral ng kasaysayan. Kung tama nakapagbahagi ako sa pagpapalaganap ng intesest sa kasaysayan kung may mali naman maitatama ako ng mga historyador at mga professor sa ibat ibang larangan. Mangmang lamang ang ayaw ng pinupuna at nasasaway ayon sa kawikaan.

 Balik tayo sa paksa mas madali nga namang isipin na kailangang umiral ang isa bago ang ikalawa. Kung magkagayon ang ating mga hinuwa sino sino ang mga nasa likod nito? At higit sa lahat ano ang katotohanan sa likod ng maraming kontrobersiya sa loob ng daang taon na ilihim at hindi napagtuunan ng mahalagang pansin ang mga nabangit na isyu patungkol sa kasaysayan. (Kanina pa excited)

 Ang Liga at Katipunan

 Sa pagaanlisa ko ng mga dokumento patungkol sa himagsikan ibat ibang testimonya at mga batikang historyador ng ating bansa. May pagkakataon na ang Liga at Katipunan ay iisa lamang sa umpisa. Napansin ko na may pagkakataon na may pagkakaparehas ang mga miyembro ng Katipunan at La Liga gayun din sa mga gawi buong akala naming (kaming mga nasa kalagayang nag-aaral at natawiran lang ng kasaysayan) na pagka narinig ang Facto de Sangre o Blood Compact ito ay nakapokado (maliban kina Haring Sikatuna at Legaspi) sa Katipunan ngunit taliwas ito sa talagang pangyayari dahil may ginawa ring facto de Sangre ang La Liga Filipina, ang ilang opisyales ng katipunan ay opisyales din ng Liga at parehas itong inspirado ng maka-mason na gawain. Ito rin ang paghahayag na sinasabi ni Graciano Lopez Jaena

 Rizal’s Mind a may not have benn made up once for all either way but it is significant that at about this time he began to plan a new organization be called the Liga Filipina. As early as February 1892 there is a revealng letter from Lopez Jaena in Barcelona.

 G. Lopez Jaena to J. Rizal, 18th February 1892

 … Paez tells me in his letter that the new committee has no means of living and that the old one is dying.. we have conincided in the name of “liga”, which you are giving to the association you are founding there, and ( which is also the name of) the one here, which has been in action since the first days of January and is eminently political.

 What was this new liga? Was it Evangelista’s Revolutionary Club”? Was it Antonio Luna’s idea of how the Filipinos should “ organized themselves in another way. To be ready to make good their rights by force? It will be recalled that Ariston Bautista, writing to Rizal from Paris in January, had made a cryptic reference to a Katipunan, which is, after all, only the Tagalog for association or league.

   At isang matapang na pagbubunyag ni Antonio Luna

                   

 

Isang dokumento na kalap ng mga Kastila tungkol sa Katipunan at La Liga Filipina

Papapansin sa larawan na ang nakasulat kamay na Logia Popular del Katipunan o La Liga Filipina

Antonio Luna himself, in a statement little short of hysterical-among other things he cried: “ I am not a rebel or a mason or an agitator; all the contrary, I am an informer!—said: “ The Katipunan is the LIga Filipina,” and “its author is Don Jose Rizal. Indeed, as we shall see, the Liga and the Katipunan were not entirely unconnected.

One Valentino Diaz would profess to remember, on the otherhand, that a certain Donato or Tato brother-in-law of Marcelo H. Del Pilar ( Deodato Arellano) had been chosen president of the Liga at a meeting attended by Bonifacio, Adriano, Paez, Legaspi and others. (The First Filipino By Leon)

Makikita natin na ang pagkaalam ni Diaz sa pagpupulong na naganap noong Hulyo 7, 1892 ay pagpupulong patungkol sa Liga na maari ding tawaging Katipunan.

Sa kabilang banda ng kausap ni Plaridel si Zulueta at sa pagmamasid ng mga pangyayari sa ating bansa nagpasiya si Marcelo H. Del Pilar na maginitiabo sa pagbuo ng samahan na kung tawagin ay ang Katipunan.

Peninsular Masonry is for us a means of propaganda, he continues) Peninsular Masonry is for us a means of propaganda. If the Masons there ( those of the Philippines) attempt to use Masonry as an instrument to further our ideals, they are mistaken.

 

A SPECIAL ORGANIZATION dedicated specifically to the Filipino cause is necessary; whether its members be Masons or not, it is important not to depend on Masonry. It seems that this is what the Liga is trying to accomplish. Nothing for now, regards. Letter of Marcelo to Senor Don Juan Teluz ( Anagram for Zulueta) ( Madrid. June 1st, 18930

Sa liham na ito may namumuo ng konsepto si Del Pilar ukol sa isang espesyal na organisasyon na tutugon partikular sa pangangailangan ng mga Filipino at hindi na ito tungkol sa propaganda gaya ng kanyang ipinahayag sa kanyang pamilya ayon kay Epifanio De Los Santos

 All the laws of Katipunan only took final shape after Del PIlar gave his approval, and above all, with his personal announcement to his family that he was coming home, convinced that” peaceful negotiations on legal ground has fails, and his duty was to fight as a soldier for the motherland.”


Ang Katipunan noong 1896 ayon kay Aguedo del Rosario

Si Aguedo del Rosario ay naging opisyal pang loob ng Katipunan noong Enero ,1896 naganap ang halalan sa bahay mismo ni Andres Bonifaico ayon sa kanyang kaalaman:

-ang lihim na samahan na tinatawag na Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay tinatag noong Hulyo 7, 1892 ng mga bayaning Pilipino na sina Deodato Arellano, Andres Bonfiacio, Teodoro Plata, Valentin Diaz at Ladislaw Diwa at ito ay initiatibo ni Marcelo H. Del Pilar, na noong mga panahoong ito ay namumuhay sa Barcelona, Espanya na nakikipagbaka sa larangan ng politika upang pagisahin ang mga Pilipino at upang maingatan ang mga reporma papabor sa mga Filipino. Ang layunin ng Katipunan sa simula ay mga lihitimong bagay katulad ng reporma na magpapaunlad ng kondisyon ng kapuluan at ang kasunod nito ay ang kanilang (emancipation) o kalayaan ng Inang Bayan.

Ang pangangailangan ng isa pang samahan upang makamtan ang kasarinlan ng bayan.

Ang pagkakaiba ng Katipunan ni Andres Bonifacio

Nagkaroon ng pagdidistinge ng Katipunan noong Ang Supremo Andres Bonficio ang humawak, naging kaluluwa at puso ng lihim na samahang panghimagsikan bagamat maraming nakaimpluensiya sa kanya sa ibat ibang aspeto ng karunungan. Nakabuo ng isang uring samahan naakma sa pangangailangan ng ating bansa sa panahon ng kaapihan. Dito nahubog ang damdamin at tunay na layunin ng Kataastaasang Kagalang-galang Katipunan ng anak ng Bayan mula sa sarili nating kakanyahan. Ginamit ni Bonifacio ang mason, pamamaraan, istraktura at iba pang magagamit upang mapalaganap ng lihim ang kilusan. Ang wika nga ni Dr. Milagros Guerero ito ay tinatawag na "appropriation" dahil di umano ginaya lang ni Bonifacio ang French Revolution, kapag si Ambeth Ocampo naman ang tinanong mo ginaya sa Fili ni Rizal at gayun din ang sasabihin ng masonerya dahil sa ang ibang ritual ng Katipunan ay hinango sa mga ritual ng Mason.

Ano man ang naging padron ng Ama ng Himagsikan, matalino nitong naisagawa ng lihim ang layunin ng Katipunan di tulad ng inumpisahan ni Dr. Jose Rizal isinasaayos pa lang ang Logo ng La Liga unti unti na itong nabuwal kung baga sa nanganak namatay na ito pagkatapos mailuwal. Mas naging epektibo ang pamamaraan ni Bonifacio sa pagsasagawa ng propaganda kaysa pinagsama samang pagiisip nila Rizal, Antonio. Luna. Jaena , Marcelo at iba pang mga Illustrado. Sa pagaanlisa ng kanilang mga sulat sa isat isa alam nila na ang tanging ang ating bansa lang sa sarili niyang kakayahan mapapalaya ang bayan. Ang tanong bakit hindi nila sinagawa nanatili silang sumisigaw sa binging Espanya at umaasa na makikinig rin ito balang araw ( Pagdating ng Panahon). Alam ni Rizal ayon sa kanyang sulat kay Blumintritt na hindi matutuhan ng Espanya ang natutunan ng mga bansang Katulad ng Amerika. 

Nagtanong tuloy ako "Alam mo palang hindi matututo ang Espanya, bakit umasa ka pa na mabibigyan ka ng hustisya"? Maliwanag pala sa isipan ng mga propagandista ang pangangailangan ng Rebolusyon katunayan ang una nilang Logia sa mason bago Solidaridad ay tinatawag na Revolucion. 

Ito ang naging pagkakaiba ni Bonifacio mayroon siyang isang adhikain at sinagawa niya ito ng isang mahinahon na pagiisip taliwas sa mga panghahamak sa kanya bilang mainiting ulo at pikon mga style ni Ceasar Montano (best supporting actor tuloy sa El Presidente dahil naipakita niya di umano ang paguugali ng Supremo). Palibhasa'y nakaranas tayong magorganisa ng isang grupo ng mga kabataan na nagkaisa na maging iba malayo sa masasamang bisyo at magkaroon ng isang mabuting pagiisip kaya isang di matatawarang karunungan ang ipinakita sa pagoorganisa ni Andres Bonifacio dahil napakahirap magsimula, magmantine ng isang organisasyon ng mahihirap.

Pag-lalagom

 Ang ating mga mamayan ay naghihintay sa mga eksperto sa ating kasaysayan ngunit kung hindi mapupunuan ng mga dakilang historyador ang kakulangan ng kaalaman ng mga mamayang Pilipino patungkol sa ating kasaysayan kung di bagkus ang mali pa minsan sa kasaysayan ang naipapakalat hindi bat kalunos-lunos naman ang ating magiging kalagayan na mismong kasaysayan natin hindi natin  alam ang totoong pangyayari bagamat kung hindi pa man  kakayanin ng kasalukuyan na malaman ang buong katotohanan maaring bang masaliksik ang ibat ibang mga bagay na maglalapit sa atin kahit papaano sa katotohanan ng ating kasaysayan?

 Sa mga umiibig sa pagsusuri ng ating kasaysayan hindi ito impossible hindi rin kailangan na mayaman ka para magkaroon ka ng sapat na kaalaman tungkol sa ating nakaraan. Ang pagiging masigasig kahit sa maliliit na detalye hangang sa mga dakilang kaalaman patungkol as ating kasaysayan at ang pagibig sa kanyang ginagawang pagsasaliksik ang nakikita at nararamdaman kong pangangailan muna ang dapat mataglay ng sinomang nagnanais magaral ng ating kasaysayan.

Sa ating pagsusuri nakita natin ang Katipunan na salita ay ginagamit noon pa na may kahulugan na committee, logia, assossacion at liga. Kung uumpisahan kay Plaridel may Katipunan na silang binabangit pagkatatag ng logia nilad, dumating sa punto ng transistion period na kung saan ang Liga at Katipunan ay magkasing isang kahulugan lalu na sa mga kaaway. At ang tuluyang pagkalas ng Katipunan sa kaisipan ng mga propagandista o mga ilustrado at napalitan ng nakakaramdam na Bodegero sa katauhan ni Bonifacio kasama ang ibat ibang mga mararalita at iilang may propesyon sa lipunan at ito ang tinawag na KKK Kataastaasang Kagalangalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan- na may dangal, at tunay na layunin ang makamtan ang kasarinlan ng bayan. 

 

 

 

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments