MatangHari Blog

Click here to edit subtitle

Blog

Aktibista ka nga ba?

Posted by king_cortez on October 8, 2013 at 1:55 AM

Bilang isang kumikilala sa Adbokasiya ng pagbabago, ang isang aktibista dapat maalam sa pagkikipaglaban ukol sa pagbabago na dapat ito ay may aspeto ng pangloob. Dapat niyang baguhin ang kanyang sarili gaya ng ibig niyang pagbabago sa lipunan. At kung saan ito hahantong at aktuwal na pakikilahok na maaaring nakaapekto sa pagbabago ng isang indibiduwal, ngunit bilang may kamalayan ng pangtangap ng mahalagang pagbabagong pang-loob na nakakapagpanatili ng mga kaisipan ito ay makakapagbunga ng mabuting resulta.

 

Ang isang aktibista ay kinakailangang may matalas ng kamalayan mula sa kanyang inugatang kolonyal at pagkabulok na lipunan. Dahil kung hindi niya susubukang manindigan ang pagbabago sa kanyang sarili, patuloy niyang dadalhin kaakibat ang mga pagkabulok o ang kolonyal na lipunan at ito ay masidhing makakahadlang sa pagtupad ng kanyang gampanin, katulad ng lipunan, siya rin ay isang lugar ng digmaan sapagitan ng luma at makabago. Upang makapagtagumpay sa lipunan kinakailangang maipagwagi muna niya ang laban sa kanyang sarili.

 

---King Cortez sa pamamatnugot ni Dr. Zeus Salazar

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments