MatangHari Blog

Click here to edit subtitle

Blog

90 anyos na “Side-Car Boy” nakapagpaaral ng 300 Estudyante Walang Pork Barrel

Posted by king_cortez on October 8, 2013 at 1:40 AM


 

Di ako naiyak sa mga gahaman sa Pork Barrel pero-sa taong ito di ko napigil pati puso ko umiyak- sinabihan ko nga tahan na..

 

Side Car Boy kung sa Atin ay ituring Nakapagpaaral ng 300 estudyante, di gaya nga mga public servants daw natin kapag walang pork barrel huag daw hihingi sa kanila ng tulong.

 

Ikinararangal kong Ipakilala sa Inyo si BAI FANGLI!

 

Sa loob ng 20 taon, para makapagtabi siya ng kanyang mga donasyon. Si Bai Fangli di tumigil ng kakapadyak sa araw araw.

 

Nagsimula ang kanyang debosyon noong 1987 ( grade 2 na ako) at siya ay may 74 taong gulang. Matapos niyang maghanda upang magretiro at magpaalam sa kanyang trabaho.

 

Ngunit bago bumalik sa kanyang kinalakihang lugar, isang grupo ng mga kabataan ang kumuha ng kanyang atensyon na nagtatrabaho sa bukid.

 

Tinannong niya ang kanyang anak na si Bai Jinfeng na sinasabi “Bakit hindi pumupunta ang mga batang ito sa paaralan?” at isang kamaganakan naming ang nagsabi na dahil hindi nila kayang magbayad ng matrikula dahil sa Kahirapan. Nag alala ang aking Ama kaya nagdesisyon siyang magbigay ng donasyon sa halagang 5000 Yuan sa paaralan sa bayan na kanyang pinangalingan na para sa kanya ito lang ang kanyang pagaari.

 

Pagbalik niya sa Taijin, si BAI ay muling bumalik sa paghahanap-buhay. Lahat ng kinikita niya ay napupunta sa pagsuporta sa mga na ngangailangang mga estudyante.

 

Ang kanyang mga anak ay tinangkang kumbinsihin siya upang magbago ng isip, dahil gusto nila na mamuhay ang kanilang ama ng isang “Relaxing” na buhay. Ngunit naging bingi ang kanilang Ama sa kanilang mga sinasabi.

 

Ayon pa sa kanyang anak kumikita si BAI ng 20 hangang 30 yuan hangang gumabi at itinatabi niya ito sa isang maingat na lalagyan.

 

Nagsisi minsan si Bai dahil hindi siya nakapagaral o illiterate, kaya umaasa siya na ang mga susunod na henerasyon ay mababago nila ang kanilang kapalaran sa pamamagitan ng Edukasyon.

 

Di pa natapos ang kanyang pagsasakripisyo upang matugunan ang mga pangangalailan ng mga estudyante. Lumipat si Bai sa isang maliit na kuwarto malit sa Taijin Railway station. Hinihintay niya ang kanyang mga pasahero sa loob ng 24 oras kumakain ng simpleng pagkain at nagsusuot lamang ng mga segunda-manong mga damit.

 

Sa kanyang gulang na 82, namangha ang kanyang mga anak sa kanyang naging desisyon. Nagtayo siya ng isang EDUCATION SUPPORT FUND sa tulong ng pangungutang. Habang tuloy ang kanyang buhay sa pagpadyak.

 

SI Xu Xiuxiang, isa sa mga mangagagawa ng Education Support Fund ay nagsabi “ Hindi niya nakakalimutang magbigay ng pera sa mga paaralan and lagi niya kaming hinihimok na ibigay ang kanyang kinikita sa mga paaralan. Sa bawat oras na binibigay niya ang kanyang pera, lagi siyang nakakaramdam ng kaligayan at sinasabi niya na nabuo na niya ang kanyang misyon muli.”

 

Noong 2001, sa kanyang pagpadyak patungo sa TianJIn YaoHUa Middle School, upang ihatid ang kanyang huling hulog na salaingpangbayad sa Installement. Mga 90 anyos na siya katanda. ( dito ako naiyak) SINABI NIYA SA MGA ESTUDYANTE HINDI NA SIYA MAKAKAPAGTRABAHO. At nangyari lahat ng mga estudyante at mga guro ay hindi mapigilang umiiyak.

 

Si BANG FANGLI ay nagsabi.” Umaasa ako na ang mga estudyante ay magaaral ng mabuti at makakakuha ng magandang trabaho upang makabahagi sa bansa”.

 

Tumagal ng 2 dekada ang kanyang pagtulong sa mga estudyante.

 

Noong 2005, siya nagkasakit ng isang Terminal Lung Cancer.

 

Wala siyang tinabi na kanyang kinita para sa kanyang sarili. Ang kanyang iniwan ay ang kanyang kawalan ng pagmamahal sa sarili at dalisay na pagibig sa kapuwa.

 

Anong PORK BARREL ang kailangan para makatulong sa mamamayan lalu na sa mga estudyante?

Siguro dapat ng magkaroon ng isang mataas na moral at di maitatanging pagmamahal sa kapuwa ang dapat matagpuan sa sinomang gustong maging politiko na maglilingkod sa raw sa bayan. Kung dahil walang pork barrel ang isang mambabatas hindi na siya makakapaglingkod sa bayan. HINDI TUNAY NA MAGLILINGKOD YAN LALU NA SA KANYANG KAPUWA.

 

AT KAY BANG FANGLI HABANG BUHAY ANG AMING PAGSALUDO SA IYONG DALISAY NA PAGMAMAHAL SA KAPUWA!

 

BATIS

http://www.china.org.cn/video/2012-02/15/content_24642234.htm

 

http://paulocoelhoblog.com/2012/10/29/the-virtuous-mr-bai-fang-li/

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments