17 Taong Hindi Nagsalita pero Hindi Pipi
|
|
Sa panahon na hindi lang ang mga dila ang madaldal pati na ang mga daliri. Weirdo ang tingin sa mga taong tahimik, patingin-tingin at nagmamasid. At sa mga chismoso at chismosa mukhang ikakamatay nila kapag hindi sila nagsalita ng ilang mga segundo.
Ngunit ang taong ito ay hindi pipi dahil sa paninira ng mga tao sa kapaligiran at mundo, ng masaksihan niya ang isang Oil Spill sa San Francisco Bay noong 1971, hindi nagsalita ng 17 taon, nilakad ang Estados Unidos di gumamit ng mga saksakyang di langis at sa kabila ng hindi niya pagsasalita nakapagtapos ng kanyang masteral at ngayon ay isang doktor pangkapaligaran.
Sa loob ng 22 taon nilakad niya ang ibat ibang lugar pati ang buong Estados Unidos at ilang bahagi ng Hilagang America na umaasang maging inspirasyon sa iba na alisin ang pagamit ng ekonomiya ng petrolyo.
Mula ng tumigil siya ng pagsakay sa kotse, isang African American sa Philadelhia tumigil na rin siya ng
Pagsasalita. Sa loob ng 17 taon nakipagtalastasan siya sa pamamagitan lamang ng improvised sign language, paglilista at ang kanyang BANJO. Ginawa niya ang pagsumpa ng katahimikan dahil wika niya lagi na lang siyang nakikipagtalo. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita niyang kaya niya palang making ng totoo sa iba at sa isang napakalawak na kapaligiran. Binago niya ang ang uri ng pakikipagtalastasan ng personal at ang pagiging isang Environmental Activist. Sa panahon ng kanyang katahimikan nagtamo siya ng Ph.D. in Land Resources)
Si Francis ay muling nagumpisang magsalita noong Earth Day 1990. Kinabuksan na banga siya ng kotse. Tumangi siyang sumakay sa ambulansiya, at pinilit niyang lumakad papuntang hospital.
At ito ang ilang katanungan kanyang sinagot.
Bakit ka huminto ng pagsakay sa mga behikulong de motor?
Ito ang aking umpisa na ma-expose sa isang pagiinsulto na lubhang malawak sa kapaligiran—400,00 galon ng OiL Spill sa San Francisco Bay. At hindi ako makaalis mula rito. Maari mong isarado ang iyong mga mata, puede kang tumalikod, pero hindi ka basta basta makakaalis sa impak nito. Ang amoy ay napakalakas. Nagdesisyon ako, gusto kong gumawa ng isang bagay, pero di ko alam kung ano. Nabangit ko sa isang kaibigan na gusto kong huminto sa pagsakay sa kotse, at tinawanan niya ako at tinawanan ko rin ang aking sarili duon na ito natapos.
Ngunit mula noong namatay ang isa sa aking kapit-bahay ng sumunod na taon –siya ya may maganda trabaho bilang Deputy-Sheriff, mayroon siyang mabuting asawa, mapagmahal na anak, maituturing na nasa kanya na ang lahat. At nagsimula sa isang araw at ang sumunod ay wala na siya. Napagtanto ko na di kailangan ng mga pangako. Kung gagawin ko ng ano mang bagay, mas makakabuti pa na gawin ko n ngayon. Dahil ang ngayon lang ang panahon na magagawa natin ang mga kailangan nating gawin.
Ngunit ang iba ay maaring may masaloobin at magsabi na, “ Ok, makikilahok n lang ako sa Sierra Club. At susulatan ko ang aking senador. Magpipicket ako sa mga labas ng kompanya ng langis.” Ngunit hindi maraming tao ang magsasabi na “Hindi na ako sasakay ng mga sasakyang de motor.” Ito ba ay tumama sayo ng matindi?
Tumama nga ng matindi. Pero tumama siya sa akin sa pinakanararapat kong gawin. Maari akong sumali sa Sierra Club, Makakapagpicket ako at ang mga tao nga ay ganito ang ginagawa. Pero sa aking buhay, Ano ang puede kong gawin? At ito nga ay ang hindi pagsakay sa mga kotse. At akala ko susunod na rin ang marami (hehehe)( Tawa niya)
Habang ako ay naglalakad sa kalsada, ang mga tao ay hihinto at makikipagusap tungkol sa kung ano ang aking ginawa at nakikipagtalo ako sa kanila. At aking napagtanto na, siguro hindi ito ang gusto kong gawin. Kaya noong aking kaarawan Setyember 27 nagdesisyon akong magbigay ng isang katahimikan para sa aking komunidad kasi lagi na lang akong nakikipagtalo sa lahat ng panahon. Nagdesisyon akong huag magsalita ng isang araw at upang makita ang mgamangyayari.
Categories: None
Post a Comment
Oops!
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.