Pinapangarap na Pamantasan ng Katipunan
|
|
Sa isang bansang katulad natin na mayroong isang kolonyal na nakalipas, mahalaga ang pagbabalik-tanaw natin sa mga institusyon at kaalamang nagkaroon ng bahid ng ating mga kolonista—at kasama sa mga institusyon at kaalamang ito ang ating sistema ng edukasyon, halimbawa, na pangunahing nagkakalat ng kaalaman sa ating kasaysayan partikular na sa Katipunan sa mga dapat at gustong makaalam.
Dahil galling sa ating mga kolonista ang mga naging kasangkapan, at sangkap, na ginagamit natin sa pagsulat at pag-uunawa ng mga pangyayari ng 1898, naroon ang tagong panganib na maaring maging taglay din natin ang mga huwisyo at pagtanaw ng mga kolonista, maging sa ating sariling pagtanaw sa ating sarili, o sa ating kasaysayan. -( MS.Valdez-KM.Cortez)
Sa mga nakalipas na panahon nabantuan na ng mga maraming salaysay, pagiisip at pagpapaliwanag patungkol sa samahan at tagapatnugot nito na nagbukas ng pintuan patungo sa kalayaan-Ang Katipunan at Ang Ama ng Himagsikan.
Mula ng ito ay maagaw ng mga ilustrado at nagaaking nagmamahal sa bayan nagkaroon ng malaking pagbabago sa pananaw, prinsipyo at pakikipagbaka
ang ating mga ninuno. Na hangang ngayon ay nadala at namana ng mga kasalukuyang nakaupo sa pamahalaan.
Ang diwa at kaisipang ito ay ang babakahin ng mga nakakaramdam ng totoong pagmamahal sa bayan hindi ang marahas na pagdaknak ng dugo ang sagot sa mga suliraning panglipunan ating kinakaharap. Katunayan marami ng nagbuwis ng buhay alang alang sa kalayaan ng bayan ngunit hindi pa rin matukoy saan naguugat ang pagsisikil nito.
Sa panahong natapos na ang madugong pakikipagbaka nakita ng mga dayuhan na kaya nating mag alay ng buhay para sa kalayaan ng bayan. Wala tayong kamalay malay sa panibagong pakikipaglaban na kanilang pinaghandaan gamit ang edukasyon, media ,at politika. Pagsugpo sa kaisipan at damdaming makabayan. Hangang ngayon nanatili silang nagwawagi sa nakararami nalalasap nila ang pagtatagumpay ng kanilang taktika upang malansi ang ating mga kababayan at patuloy na tangkilikin kung ano man ang isusubo nila sa ating bansa.
Ang digmaang nakalatag sa atin ay isang digmaang hindi naipanalo ng karamihan sa mga heneral ng himagsikan-ang digmaan sa ating mga sarili , binigyan tayo ng halimbawa ng Ama ng Himagsikan sampu ng kanyang mga tapat na kapatid sa Katipunan maari din nating matagumpayan at mataglay upang magkaroon tayo ng sandatang magagamit para makapanindigan sa totoong adhikain ng Katipunan sa papamagitan ng pagbabalik tanaw at pagsasaliksik ng mga aral, gawi, kaisapan ng puso ng Kataastaasan Kagalangkalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan at sa Pamantasan ng Katipunan mo ito mauunawa.
Categories: None
Post a Comment
Oops!
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.