Sana lang , Nagkaisa nagkasama sama ang ating mga Bayani
|
|
--ni King Cortez July 6,2013 ( Alay sa araw ng Katipunan)
Kung pinatili sana nila ang puso at kaluluwa ng himagsikan sa katauhan ni Andres Bonifacio hindi nakompromiso ang dakilang layunin ng Katipunan na “Ang Bayan ang Maghahari”
Kung sana’y tumulong na si Rizal sa pagiiisp katuwang ang utak ng himagsikan na si Emilio Jacinto sa dakilang layunin ng Katipunan na mapalaya ang Bayan.
Kung nanatili sana si Aguinaldo na kamay na bakal at sundalo ng pagaaklas
Di sana nagdalawang isip si Anontonio Luna na sumapi sa mga anak ng Bayan kapiling nila Ladislao, Plata, Noriel. , Masangkay,Alvarez, Ricarte,Del Pilar, Llanera kasama ang istratehiya ni Evangelista. Kung magkasama sanang nagpugay ang Magdalo at Magdiwang.
Anu kaya kung di nagatubili si Apolinario Mabini sapakikpagtagisan ng talino kanila Dismasalang at Pingkian. Upang magkatulong silang magplano ng ibat ibang taktika, estratehiya at pamamaraan sa larangan ng digmaan hindi lang ng laman pati ng kaisipan.
Kung di sana sumuko si Dr. Pio Valenzuela at nagpatuloy sa pagsusulat sa kaunaunang diyaryong tagalong na ang “Kalayaan” sa pamamatnugot ni Marcelo H. Del Pilar at pakikiisa nila Gracino Lopez Jaena kasama ang iba pang propaganda.
Iginuhit sana ng pagkaganda ganda ni Juan Luna at Hidalgo ang maaring maging mapa, at ibang nangangailangan ng paglalarawan sa mga lugar na magsisilbing kagamitan sa paghahanda ng Himagsikan.
Malayo mang isipin na sana pinangunahan ni Lapu Lapu ang kabisayaan kasama sina Castilo at Icban ng Aklan, kasama sila Dagohoy, at si Resituto Javier sa bandag Ka Mindanawan at sa Bandang Norte Kapiling ni Ricarte ang magasawang Diego at Garbiela Silang, sa Pangasinan si Juan Dela Cruz Pilaris, at si Pule sa bandang Laguna.
Kung nagabayan sana ng GOMBURZA ang moral at asal ng mga ninuno at kababayan natin sa panahon ng Himagsikan.
Ano pa’t kay sarap isipin maging sina Oriang, Josephine na may bahay ni Rizal at ang kayang mga kapatid na si Josefa at Trinidad,Marina Dizon, Tandang Sora, Teresa, Gabriela ay nakikisamang nakikipagbaka, humahaplos sa bawat sugat ng mga Katipunero sa pagabay ni mga doktor na sila Pio at Rizal.
Di rin namn papahuli sina Sakay, Malvar at Nakpil sa pagpatuloy ng laban kano po ang mga kalaban.
Ang bumubuo sana ng HImagsikan ay maging kahalintulad ng isang Katawan na hindi maaring lahat ay puso, nagiisip at walang sumusunod. Hindi rin naman maaring lahat ay sumusunod at

Ang bumubuo sana ng HImagsikan ay maging kahalintulad ng isang Katawan na hindi maaring lahat ay puso, nagiisip at walang sumusunod. Hindi rin naman maaring lahat ay sumusunod at walang nagiisip at gumagawa. Kung di ang bawat bahagi ng Katawan ay may isang pangiingat sa isat isa hindi maaring sabihin ng kamay na hindi kita kailangan paa, ni ang isip ay magtakwil sa puso dahil hindi niya ito kailangan gaya n gating sariling kawikaan ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.
At kahit na sa pangarap man lang magkasama-sama ang mga ninuno natin na kinasangkapan para makadama tayo ng kahit papaanong kalayaan hindi man ganap na ganap masasabi pa rin natin na nakahulagpos tayo sa gapos ng pagkaalipin.
Sa mga pinakitang katangapan at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani kung di lang sana nabantuan ng ibang interest ang layunin ng iba-sa galling at husay ng ating lahi na di nagisip na mangapi ng ibang bansa ngunit nakahandang magtangol at magalay ng buhay lakas at isip sa sino mang magtatangkang dumingis sa kapurihan at kalayaan ng ating bayang tinubuan.
Kung magkagayo’y manginginig at magigimbal sa takot ang sinomang banyaga na dudungis sa ating dangal at mangaapi sa kaisa-isa nating Inang Bayan makakakita sila ng nagkakaisang isip, lakas, tapang at talino na hindi kayang gupilin ng sinomang Conquestadores pinakita na ito na magisa ni Lapu Lapu sa Mactan na hindi siya luluhod sa sinomang hari ng espanya at mariin niyang sinabi hindi siya makikipagalyansa maliban lang sa kanyang mga tao.
Pagtitibayin ito sa pagkamangha ni Mcarthur sa kagitingan ng mga sundalong Pilipino bigyan lang raw siya ng 10,000 ng ating mga sundalo at sasakupin niya ang buong Mundo.
Ngunit tapusin na natin ang pag “sana” sa ibat ibang mga bagay hindi pa tapos ang laban na kanilang inumpisahan, nasa ating kamay ang pagtatangol sa Inang Bayan kunin natin ang mabubuting ugali at pagawa n gating mga dakilang bayani sama sama nating taglayin ang mga ito kung magkagayo’y makakakita ang buong mundo ng isang lahing may dangal, dignidad at mapagpakumbabang puso na may tapang na makakatindig sa harapan ng kahit anong lahi.
Categories: None
Post a Comment
Oops!
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.