Mga Huling Araw ng Agosto 1896
|
|
Sa mga huling araw ng Agosto, may tumindig na Bodegero isang Anak ng Tundo na hindi natakot sa mga armas at lakas ng mga Kaaway. Nagimbalang mga mapangaping dayuhan sa mga pangyayari nagbaba ng Martial-Law sa Maynila at sa Walong karatig Probinsya. Ang kanyang plano lusubin ang Maynila upangwakasan ang kahirapan ng ating mga ninuno hindi nakisama ang mga bayaning ilustrado at ilang mga huwad na katipunero. Sa madaling salita iniwan sa Ere si Bonifacio sa gitna ng laban.Ngayon sa ating panahong kasalukuyan. Ang mga nangutya at nagsabing isang kahangalan ang planong panghihimagsik ng Katipunan,dahil raw sa kawalan ng armas,sapat na salapi at mga pagkain hindi pa ito napapanahon.At nagboboluntaryo at tutulong pasa mga Kastila Si Rizal para sugpuin ang planong pagaaklas ngKatipunan at ang nakakatawa niyang payo na pauwiin sa kanilang mga bahay ang mga Katipunero. Hindi rin sumuporta man lang si Antonio Luna sa nasabing pakikibaka. At nanatiling Nasa likuran si Apolinario Mabini sa mga panahong ito. Nakikisawsaw sa araw ng mga Bayani pati ang mga kamukha nilang mga Ilustrado. Dahil sa kanilang sobrang talino di naiintindihan ang pangangailangan ng kanilang bayan. Sapat na ang panahon ng mga salitaan, hindi makikinig ang bingi at bulagna Espanya na lubhang ginalang ni Rizal. Sa mga Araw na ito ang Tiyak at Nararapat na panahon Ng Himagsikan wala ng iba pang petsa na iba pa na nararapat kalagyan sa ating Kasaysayan. Sa Panahong ito rin Pinulong ni Gat. Andres Bonifacio ang mga pinuno ng Katipunan isa sa mga tumutolsa gagawing pagaaklas ay di sangayon si Aguinaldo dahil ayon sa kanya hindi pa handa ang Katipunan.
Sa pagpupulong winika ni Bonifacio ang sinalita ni Balagtas naang kinatatalo sa alinmang Digmaan ay GUNI-GUNI NATAKOT SA MGA KAAWAY. ANG KALAYAANG ATING NATATAMO NGAYON AY NAGSIMULA SA ARAW NA MAGDESISYON SI BONIFACIO NA LUMABAN SA MGA HULINGARAW NG BUWAN NG AGOSTO.ANG ARAW NA PAGLAYA NATIN SA TAKOT SA MGA KAAWAY!
Categories: None
Post a Comment
Oops!
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.