Hindi Ako Historyador
|
|
Hindi ako Historyador!
Maaring manino ang sinuman sa aking ginagawang pagsasaliksik, pagsusuri, pagaanalisa at paghahayag ng mga bagay ng ating kasaysayan. May natutuwa mayroon ding nagagalit, may naiinis, at napipikon dahil nga naman matagal na sila sa kasaysayan at bigla akong magpopost sa internet ng mga bagay na
Mangungulit sa kanilang kaisipan siguro minsan hindi pa magpapatulog sa kanila at sa kalaunan dahil hindi rin sila eksperto sa mga bagay na aking tinatanong nakakasagot ng maling konklusyon.
Saan nga ba ako babaling, sa kaninong kaluguran ako haharap? Hindi kasi ako sinanay ng aking mga tagapagturo na magpalugod sa mga tao, ibigay kung ano gusto ng tao kahit labag sa batas ng budhi ng katotohanan. Nang tinahak ko ang landas ng pagaaral ng kasaysayan mula sa pagtulong sa kapuwa may tumimo sa aking kaibuturan at dalangin ko sa Dakilang Tagapagtala ng Kasaysayan na akayin ako ng Espiritu ng Katotohanan.
At hindi naman ako nabigo, sa awa’t tulong ng Maykapal patuloy ang pagakay niya sa akin sa pagaaral ng kasaysayan ng ating bayan upang mailahad ang katotohanan na magaalis kulaba sa mata ng lipunan. Kung kanser na ito sa panahon palang ni Rizal anu pa kaya sa ating ngayon.
Kahit man lang sa ating Sariling Kasaysayan huag tayong magpaloko! Dahil hindi pagaari ng iilang tao ang ating kasaysayan bawat isang Pilipino ay may karapatang magsaliksik, magsuri at umalam ng ating nakaraan upang makalakad tayo ng nararapat sa kasalukuyan.
Iba kasi ang pakiramdam ng ikaw mismo ang nagsuri sa kasaysayan ng bansa mo, makikita mo ang ibat ibang personahe sa tala ng historya makikita mo ang mga totoong kulay na tinatangap na mga bayani sa ating lipunan kung sila nga ay nararapat sa salitang bayani. Nakakalungkot na kahit ilang beses mo ibenta ang bayan mo sa gobyerno bayani ka pa rin, kaya hangang sa kasalukuyan kahit na ilang beses ka na gumawa ng katiwalaan sa bansa nakapuwesto ka pa rin sa pedestal gaya ng mga bayani.
Hindi ako historyador pero hindi ninyo kayang diplomahan ang pagmamahal ko sa pagaaral ng ating kasaysayan-ibang mag aral kapag-Inlove! Dahil ang puso ng pantas ay nasa kanyang kanang kamay.
Categories: Kasaysayang di Naisaysay
Post a Comment
Oops!
The words you entered did not match the given text. Please try again.
Oops!
Oops, you forgot something.