MatangHari Blog

Click here to edit subtitle

Blog

KATIPUNAN BAGO PA 1892

Posted by king_cortez on October 9, 2013 at 12:40 AM

Umpisahan na natin ang Excitement sa Kasaysayan!

Nabasa ko ang katagang ito mula sa aking maliit na silid aklatan sa libro mismo ng mga sulat ni Marcelo H. Del Pilar na may pamagat na Espistolario de Marcelo H. del Pilar. Inilapit ko ang dokomunetong ito kay Mr. Jim Richardson kilala sa pagsusuri at mga dokumento ng Katipunan. Sa kanyang na websyat matiyaga niyang nilathala ang mga umiiral na dokomento (Katipunan Documents), artikulo, mga pahayag sa ibat -ibang aklat ukol sa Katipunan at kay Andres Bonifacio sa kanyang blog na Bonifacio Papers.

Sa madaling salita kumonsulta ako sa mga autoridad ng kasaysayan sa abot ng aking makakaya, sa aking kaliitan naidulog ko ang mga bagay na hindi ko kaagad nauunawan sa larangan ng kasaysayan. Ngunit di ko kaagad natagpuan ang kasagutan sa mga tanong sa aking kaisipan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit excited ako pagdating sa pagaaral ng kasaysayan para bangang ako ay humuhukay ng ginto sa baul ng ating nakaraan.

                                                   


                                                                     

Kada maliit na inpormasyon ukol sa pinili kong pagaralan na isang bahagi ng kasaysayan, habang aking hinahanap ang mga bagay na ito sadyang lumalapit sa akin ang mga dokumento na umiral na ng mahabang panahon ngunit hindi masyadong napansin ng mga kinauukulan. Na sa maliit na paraan mabigyan ko ng pansin at buhay ang pagaaral sa Kasaysayan para sa mga kasalukuyan at susunod na Henerasyon.

 Lubos ang aking pagalang sa mga doktor, personahe at mga guro na aking nalapitan hindi man nila ako lubos na kilala nagtuon ng pansin sa akin kakulitan sa pagalam ng mga katotohanan sa kasaysayan gaano man ito kaliit.

 

Ang sabi ni Ambeth Ocampo sa kanyang column sa Inquirer

We all know that Jose Rizal founded Liga Filipina a few days before in Tondo, but upon his arrest and banishment to Dapitan, the Liga was no more. On July 7, 1892 the Katipunan was born.

Ayon sa kanya "alam nating lahat" di ko alam kung paano niya nakilala ang damdamin ng lahat ng Filipino patungkol partikular na sa pagkakatagtag ng Katipunan ay noong Hulyo 7, 1892. Ang Implikasyon kasi nito walang pagiral ang Katipunan bago Hulyo, 1892.

Enero ,1892 ang pinaka-latest findings ng mga Historyador na magpapatunay na bago pa ang petsa na ating kinalakihan ng pagkakatatag di umano ng Katipunan noong Hulyo 7, 1892. Ngunit gaya ng aking nabangit may sulat kay Marcelo H. del Pilar kay Icasiano na ang petsa ay Marso 25, 1889 isang nagdudumilat na katotohanan ang nakalatag na may binabangit patungkol sa selyo ng Katipunan galing sa isang pangalang P. Dore. Dito hindi na napakali ang aking kaisipan hinanap ko kaagad kung sino itong si P. Dore- sa tulong ng mga dokumento at makabangong pamamaraan ng pagsasaliksik sa pamamagitan ng internet isang bumulalas na katotohanan sa aking harapan na ang alyas na P. Dore ay pagmamay-ari ni Pedro Serrano Laktaw nagumagamit din sa alyas na Panday Pira isang propagandista at mason. Kilala ang taong ito sa paglalahat hala ng isa sa mga diksyonaryong hispano at tagalong at naging tagapagturo o “Tutor” ng isang Royal Family. Aking napagtanto na hindi maiiwasan ang pagaaral ng mga bagay tungkol sa Mason upang maunawaan natin ang kabuoan ng kontexto ng Kasaysayan partikular na ang La Liga Filipina at Katipunan.

Taong 1891 ng lumuwas mula Espanya si Laktaw sa pagbibigay ng karapatan ni Plaridel at pagbibigay ng basbas ni Miguel Morayta na taga-ugit ng Grande Espanol Orienteng ng Mason. Itinayo ang Logia Nilad sa Pilipinas sa paglago at mga sumasanib sa Mason sa bansa partikular na sa dako ng Tundo sa kalye Trozo nailuwal ang isa pang logia na kung tawagin ay Logia Taliba. Dito ang naging tagapag-ugit si Jose Dizon tiyuhin ni Emilio Jacinto at dito rin Napaanib si Andres Bonifacio at naging pangulo ng conseho nito- ang magbabago ng kapalaran ng Katipunan at ng kasaysayan ng ating Bansa. (Lalung-naexcite)

 Sa testimoniya ni Antonio Salazar nasaksihan niya ang paganib ni Andres Bonifacio sa logia “Taliba” ayon sa kanyang tala siya ay pumasok sa mason ng Enero 1892 samaktuwid mula Enero bago mag Hulyo 1892 ganap na kaanib na si Andres Bonifacio sa Mason.

 Lumago rin ang miyembro sa Logia “ Taliba” at nanganak pa ito ng isa pang Logia ang “Modestia” maraming naging taga suporta ng mga propagandista lalu na ni Marcelo del Pilar ay nagmula sa logia itong.

Ano ang kinalaman nito sa dokumentong aking nakita? – ito ay nagbukas ng mas malaki pang pintuan at mahiwagang pinagmulan ng La Liga Filipina, Comparsilios, at ng Katipunan. Nakakita ako ng kinalaman ni Plaridel sa Katipunan at kamakailan lamang ay personal akong nagtanong kay Dr. Milagros tungkol sa pagkakasangkot ni del Pilar sa Katipunan. Ang sagot niya ay may mga sulat na natagpuan sa katipunan mga exchange letters pero di naman nakaimpluensiya sa Katipunan dahil malayo ito sa kanila.

Bumilis na naman ang tibok ng aking puso dahil may hinuha na ako bago pa ako nakapagtanong sa mga eksperto sa kinalaman ni Marcelo H. del Pilar sa Katipunan.

 Si Plaridel at Katipunan

 Sa unang pansin palang sa kasaysayan ng Katipunan na hayag sa magaaral at madla Si Deodato Arellano ang unang pangulo ng Katipunan na hindi naman lingid sa lahat na bayaw ni Marcelo H. del Pilar maraming pagpapalitan ng sulat ang namagitan sa dalawa sa ibat ibang mga isyu na kanilang kinakaharap maging sa Madrid o sa Pilipinas. Lumitaw ang pangalan ni del Pilar bilang editor sa pahayagan ng Katipunan na tinawag na Kalayaan. At mula sa Fressel Company natagpuan ng mga Kastila ng mga dokumentong pinakatatago-tago ni Andres Bonifacio at ang isa sa mga ito ay ang sulat ni Marcelo H. Del Pilar.

Ngunit ang simpleng kutob na ito ay hindi basta tatangapin sa larangan ng metodolohiya ng pagaaral ng agham panglipunan partikular na ang larangan ng kasaysayan. At hindi rin ako basta basta napapaniwala ng mga haka-haka at alimuom ng pagiisip ng ibang tao.

Pahayag ni Leon Maria Guerero

 Our own historians uphold the proposition that Del Pilar inspired the organization of the Katipunan, if he did not actually found and direct it. Proof of this are the facts that the by-laws of the Katipunan were submitted for approval by Bonifacio to Del Pilar, that Bonifacio used the letter of Del Pilar sanctioning the organization to recruit adherents, and that the Kalayaan, official organ of the Katipunan, carried the name of the absent Del Pilar as editor. Thus was explicit and formal recognition given to the man whose ideas and ideals inspired the revolutionary movement. So intimately was Del Pilar connected with the Katipunan, and so highly was he regarded by its leaders, that Bonifacio reverently copied the letters of Del Pilar to his brother-in-law, Deodato Arellano, considering them as sacred relics and, together with the letters that he himself received, as guides for action.

 Sa libro na nalathala noong 1902 ng Amigo del Pais na may pamagat ng Rise and Commiun of Katipunan

 It was Pilar who conceived the plan of the Katipunan; and yet after all it was not his conception, for the scheme he formed was at the

best, a piece of patch work made up of the plans worked out in the various revolutions which had taken place in some part of the world.

 What Pilar's ambition was, it is hard to say; from his actions and writings one is almost driven to the supposition that he had none

in particular, but was led to the separatist labors he performed by force of compromise.

Marcelo H. del Pilar, from Madrid,in July 1892, advised the creation of another association, whichwas to be similar thereto, but which was to include the agricultural,laborers and persons of little or no education and instruction (71),but who directed in the localities by the caciques and chiefs, wereto form an enormous nucleus which should, at the proper time, giveforth the cry of rebellion. He (Pilar) provided minute instructions concerning the organization and forwarded a project of regulations.

Ayon sa Artikulong isinulat ni Danilo Donor na pinamagatang -New historical data on the founding of the "Katipunan"

Agoncillo and history textbooks stated that Andres Bonifacio was the FOUNDER of the Katipunan. That's the present historical orthodoxy. But it was MARCELO H. DEL PILAR, 32 degree Mason of the Grand Orient of Spain who was the real brain behind the Founding of the Katipunan. Basing his data on the interrogations of captured rebels and subversive documents Captain Olegario Diaz reached the following conclusion :"Whilst Rizal, in Manila,was engaged in the organization of the Liga Filipina which only the well-to-do or educated classes could enter,an attempt which,for that time failed on account of his immediate deportation, MARCELO H. DEL PILAR, from Madrid ,in July 1892 (sic---must be January 1892 as stated above---D) ,ADVISED THE CREATION OF ANOTHER ASSOCIATION which was to be similar thereto but which was to include the agricultural labourers and persons of little or no education and instruction but who ,directed in the localities by the caciques and chiefs,were to form an enormous nucleus which should ,at the proper time ,give foth the cry of rebellion.


 Ayon sa Ibang Saksi

Ang Katipunan noong 1896 ayon kay Aguedo del Rosario

Si Aguedo del Rosario ay naging opisyal pang loob ng Katipunan noong Enero ,1896 naganap ang halalan sa bahay mismo ni Andres Bonifaico ayon sa kanyang kaalaman:

 -ang lihim na samahan na tinatawag na Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay tinatag noong Hulyo 7, 1892 ng mga bayaning Pilipino na sina Deodato Arellano, Andres Bonfiacio, Teodoro Plata, Valentin Diaz at Ladislaw Diwa at ito ay initiatibo ni Marcelo H. Del Pilar, na noong mga panahoong ito ay namumuhay sa Barcelona, Espanya na nakikipagbaka sa larangan ng politika upang pagisahin ang mga Pilipino at upang maingatan ang mga reporma papabor sa mga Filipino. Ang layunin ng Katipunan sa simula ay mga lihitimong bagay katulad ng reporma na magpapaunlad ng kondisyon ng kapuluan at ang kasunod nito ay ang kanilang (emancipation) o kalayaan ng Inang Bayan.

Testimonya ni Dr. Pio Valenzuela

 Sa pagpapatuloy ng aking pagsasaliksik patungkol sa mga bagay na ito, bumulaga sa akin na sa kanilang panahon na hindi lang sa hanay nila Bonifacio nagsimula ang Katipunan nagulo ang mundo ko (pero naayos din) ng isaysay ni Dr. Pio Valenzuela ayon sa kanyang testimonya na mayroon roong iba pang mga katuwang ng Katipunan (Associates of Katipunan) na kinabibilangan ng dalawang bahagi na tagapatnugot Supreme Council Superior at Supreme Council Inferior.

 Binangit din ni Pio Valenzuela na naalala niya ang sinabi ni Andres Bonifacio ang mga aktibo at di aktibo na miyembro ng samahan na nagbibigay ng hindi baba ng 25 pesos bilang subscription. At sa probinsiya ng Batangas ay may pangalang Agoncillo; sa Bulacan ay sina Luis del Pilar at Marcelo H. del Pilar, ang pangulo ng mga katuwang ng Katipunan na naninirahan sa Espanya.

 Ayon sa kanya nakikipagtalasta si Andres Bonifacio sa Pangulo ng Consejo Supremo Superior na ngayon ay si Francisco L. de Roxas, na dating pinangunguluhan ni Doroteo Cortes. At si Doreteo Cortes din ang nagbigay ng by-laws ng Katipunan kay Andres Bonifacio.

 ng mga sulat na samsam ng mga Kastila na pagaari ni Bonifacio ayon sa sulat ni P. Celestino De las Huertas, O.F.M., Secretary of the Provincial of the Franciscan Corporation, to the General Order of Mardrid nuong Agosto 19, 1896

 Sa resulta ng pagbibigay ng inpormasyon natangap mula kay Pio Valenzuela , isang confidential agent ni Andres Bonifacio na naaresto. Itinuro niya ang mga sikretong taguan ni Bonifacio na natagpuan sa Ceiling ng warehouse of Messgrs Fressell and Company, na duon ay nagtatrabaho si Bonifacio bilang bodegero. “ At ang mahahalagang sulat kay Lopez Jaena, M,H. Del Pilar, Ruiz at Morayta ay natagpuan din dito, na nagpapakita ng pagkilos ng organisasyon sa pamamagitan ng consejo sa Madrid. Ang litrato ni Morayta ay isa sa mga sentro Junta.

 Ngunit ito ay umpisa lamang pala ng aking nakakaexcite na pagsasaliksik ng katotohanan. Isang Iskultor hindi propagandista o bodegero ang nagumpisang magtatag ng Katipunan. Abangan ang susunod kong artikulo. 

Magandang Araw pong muli!

 

Categories: Kasaysayang di Naisaysay

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments